Wednesday, December 24, 2014

Former Executive- Opinion For - UNFAIR, INACCURATE, UNVERIFIED



UNFAIR, INACCURATE, INCOMPLETE at UNVERIFIED Report. 
REPOST; SOURCES; Facebook credit to the Original Writer...


Bilang dating Executive Producer ng Imbestigador sa GMA at ngayo’y distributor ng AIM Global Inc., narito po ang aking simpleng opinyon at palagay sa inilabas na ulat ng Imbestigador ng Bayan sa 24 Oras ng GMA hinggil sa AIM Global Inc.

Kung sa akin po dadaan ang istoryang ito, hindi ito papasa para umere sa tv, dahil ang ganitong pagkakasulat na report ay maituturing na UNFAIR, INACCURATE, INCOMPLETE at UNVERIFIED. Para po sa akin, hindi pasok ang report na ito sa tagline at prinsipyo ng award-winning at nangungunang primetime newscast ng bansa, ang 24 Oras na “Walang Kinikilingan, Walang Pinoproteksyunan, at Walang Kasinungalingan.”

1.Ang buod ng reklamo ni Mach Cadavos – ipinost ng AIM Global Network sa facebook account ng kumpanya ang kanyang larawan nang walang pahintulot.

Bilang responsableng mamamahayag at investigative journalist, ang una ko dapat alamin, ay kung totoong ang AIM Global Inc. ang siyang nag-post ng larawan ni Mr. Cadavos, at kung totoong opisyal na facebook account nga ito ng kumpanya.

Kapag WALANG PRUWEBA na ang AIM Global Inc. mismo ang nagpost ng nasabing larawan at hindi kumpirmado na opisyal na facebook account nga ito ng kumpanya… HINDI PASADO ang istorya para umere sa Imbestigador ng Bayan. Oo nga’t may nagsumbong pero wala namang naimbestigahan at napatunayan. Samakatuwid UNVERIFIED ‘ika nga ang sumbong.

2. Sa GMA News facebook account (posted on December 16 at 7:35pm) nakasaad sa news capsule: -- “Nagsumbong si Mach Cadavos sa Imbestigador matapos mapag-alamang ginamit ng AIM Global Network ang kaniyang mga selfie bilang bahagi ng pagbebenta ng kanilang anti-acne soap.” --

Kapag klinick ang buong ulat sa GMA News Online (posted December 16, 2014 5:42pm) nakasulat sa unang paragraph: -- “Apat na larawan ng isang lalaki ang iligal na kinuha sa kanyang social media account ng isang networking company upang gamitin para sa online promo, ayon sa ulat ng Imbestigador ng Bayan sa 24 Oras nitong Lunes.” --

Muli, kung sa akin po dadaan ang synopsis at lead sentence ng script nito, hindi po ulit ito papasa. Unang-una wala pang naipiprisintang ebidensya (at hanggang sa dulo ng report wala namang pruweba) na nagkukumpirmang ang AIM Global Inc. nga ang nagpost ng kanyang larawan. Pero sa script sinasabing ang AIM Global ang gumamit/kumuha ng larawan… ni wala man lang “diumano, daw/raw” o kahit anong disclaimer na magsasabing hindi pa kumpirmado ang sumbong.

Matapos ilahad ang reklamo at sama ng loob ni Mr. Cadavos sa diumano’y pandaraya sa consumers ng AIM Global, kinatawan naman ng NBI ang iprinisinta sa report. -- “Ayon sa Cybercrime Division ng NBI, malinaw na paglabag ito sa RA 10175 o Anti-Cybercrime Law.” “May civil liability ‘yung kompanyang nag-upload at gumamit ng photograph na ‘yun for commercial purposes dahil walang consent ‘yung tao na nag-appear sa photograph na ‘yun,” paglilinaw ni Victor Lorenzo, Executive Officer ng Cybercrime Division – NBI.” ---

Malinaw ba kamo? Eh hindi nga malinaw kung ang kumpanya ang totoong gumamit ng litrato. Ni wala man lang nakasaad na “kung sakaling mapapatunayang ang kumpanya nga ang gumamit ng litrato” ganito ang paglabag. Paano kung hindi ang kumpanya ang nag-upload at wala itong kinalaman sa online account na inirereklamo, may pananagutan pa kaya ang AIM Global Inc. tulad ng binabanggit na paglilinaw ng NBI? Kaya para po sa akin, MISLEADING ang nasabing ulat.

Pero hindi pa dyan nagtapos ang ulat at interview sa NBI -- “Dagdag pa rito, nilabag rin ng kompanya ang RA 7394 o The Consumer Act of the Philippines. ‘Nagbo-border kasi sa Consumer Act, at the same time, sa estafa and swindling. If you promote a product na wala namang katotohanan ang pinagsasasabi mo, that will constitute deceit.” --

Bukod sa sumbong ni Mr. Cadavos, may pruweba na ba ang Imbestigador ng Bayan para sabihin nitong nilabag nga ng AIM Global ang RA 7394? Di ba hindi pa nga napapatunayang ang kumpanya ang nagmamay-ari ng facebook account na inirereklamo? Ang NBI naman tuloy-tuloy sa pagbanggit ng diumano’y mga paglabag at panloloko ng kumpanya. Naintindihan din kaya ng kinatawan ng NBI ang kabuuan ng report? Alam kaya niyang ganito ang kalalabasan sa editing ng report? Muli para lang po sa aking palagay, napaka-INACCURATE ng ulat na ito.

3. Ang huling 2 paragraph ng report (out of 11 paragraphs) ay inilaan sa pagtanggi ng AIM Global Inc. sa nasabing facebook account. -- “The alleged AIM Global Network Facebook account is not the official Facebook account of the company. The company has no participation whatsoever in the creation and administration of the said account. The consent of the company was never sought with respect to the creation of the said account, much less to the posting in question.” ¬– Bianca Rose Dabu/JST/ELR, GMA News.--


Para po sa akin, ang isang responsableng investigative report ay hindi nagtatapos dito. Ito po ay naging simpleng “he said (a lot) - she said (a little) report”. Kinuha ang dalawang panig pero hindi balanse. Maiiwan lang pala sa manonood ang katanungan kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo? Ano ang naimbestigahan, nakumpirma, at napatunayan ng Imbestigador ng Bayan sa report na ito? Hindi naman inimbestigahan kung totoo ngang FB account ng kumpanya ang gumamit at kumuha ng litrato? Kaya muli para po sa akin, INCOMPLETE ang istorya.

4. Para po sa akin, kung ganito lang naman pala ang kahahantungan ng ulat, bakit ganito ang naging anggulo ng istorya. Hindi man lang ba ito napag-isipang mabuti ng mga writers, producers at editors ng istorya at newscast? Nagkaroon pa ba ng tsansa si Mike Enriquez na mabasa at mapag-isipan ang anggulo ng istoryang ito, o diretso na lang siyang nagbasa ng report at nagdeliver ng linyang “hindi namin kayo tatantanan!”? Sa ngayon siya tuloy ang binabatikos online. Ganito na ba ngayon ang batayan ng Imbestigador ng Bayan, basta’t may nagsumbong pwede nang iulat kahit pa wala man lang maberipika, makumpirma, mapatunayan at walang pruweba/ebidensya?

Ganito na ba ka-UNFAIR ang magiging mga ulat ng Imbestigador ng Bayan sa 24 Oras na puwedeng makasira ng pangalan ng kumpanya o tao kahit walang ebidensya? Paano kung may mga nagtatangkang gamitin ang newscast para manira lamang ng iba? Ibig bang sabihin makakalusot na sila sa Imbestigador ng Bayan sa 24 Oras at sa GMA News Online?

No comments:

Post a Comment

SHARE TO YOUR FRIEND

SHARE TO YOUR FRIEND

Popular Posts

traffic feed